Diyalogo ng Venezuela at Amerika, may “malawak na palagay”

2019-02-18 10:59:22 CRI

Ipinahayag Pebrero 16, 2019 ni Jorge Arreaza, Ministrong Panlabas ng Venezuela, na nagresulta sa “malawak na palagay” ang pakikipag-usap niya sa sugo ng pangulong Amerikano.

Binigyang-diin ni Arreaza na ang pagdaraos ng naturang diyalogo ay batay sa kahilingan ng Amerika. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ng dalawang panig ang nasabing diyalogo.

Nang araw ring iyon, tatlong eroplanong militar ng Amerika, na may lulang “makataong tulong na materiyal” ang dumating sa Cucuta, Columbia, kalunsuran na malapit sa hanggahan ng Venezuela. Umaasa ang Amerika na maihahatid ito sa Vevezuela mula sa pook na ito.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino