Pag-uusap ng Taliban at Amerika, ipagpapaliban

2019-02-18 15:18:03

Ayon sa media ng Afghanistan, ipagpapaliban ang pag-uusap sa pagitan ng Taliban at delegasyong Amerikano na nakatakda sanang idaos sa Islamabad, Lunes, Pebrero 18, 2019.

Ayon sa Pajhwok Afghan News, dahil sa limitasyon sa pagbiyahe, hindi puwedeng magpunta sa Islamabad ang ilang miyembro ng delegasyon ng Taliban. Sinabi ni Zabiullah Mujahid, Tagapagsalita ng Taliban, na dahil sa pag-iiral ng black list at kawalan ng kooperasyon mula sa panig Amerikano, ipagpapaliban ang nasabing pag-uusap. Hindi dapat batikusin ang Taliban sa pangyayaring ito, dagdag niya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino