Pag-uusap ng mga opisyal ng Amerika at Venezuela, kinumpirma ng Kagawaran ng Estado ng Amerika

2019-02-20 16:53:51 CRI

Kinumpirma Martes, Pebrero 19, 2019 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na minsa'y nag-usap ang mga opisyal ng Amerika at Venezuela kung saan tinalakay nila ang mga isyung kinabibilangan ng seguridad ng mga tauhang Amerikano sa Venezuela, panig militar ng Venezuela, at iba pa.

Nitong Sabado, Pebrero 16, ipinahayag ni Jorge Arreaza, Ministrong Panlabas ng Venezuela, na dalawang beses na silang nag-usap ni Elliott Abrams, Espesyal na Kinatawang Amerikano sa mga Suliranin ng Venezuela. Ipinagdiinan niya na mayroong malalim na pagkakaiba at komong pagkabahala ang dalawang panig. Umaasa aniya siyang patuloy na magkakaroon ng ganitong diyalogo ang dalawang panig.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino