Pangulo ng Sudan, nagdeklara ng isang taong State of National Emergency

2019-02-24 15:25:42

Sa kanyang national television speech kamakailan, idineklara ni Pangulong Omar al-Bashir ng Sudan ang isang taong State of National Emergency. Samantala, idineklara rin niya ang pagbuwag sa pamahalaang pederal at pamahalaan ng iba't-ibang estado.

Sinabi niya na nasa mahirap at masalimuot na yugto ang Sudan. Kaya, dapat aniyang magkakasamang magsikap ang buong bansa upang mapagtagumpayan ang mga kahirapan ng bansa.

Inimbitahan din niya ang mga partidong oposisyon sa paglahok sa proseso ng kompromiso para magkakasamang talakayin ang mga isyung kinakaharap ng bansa.

Sapul noong Disyembre ng nagdaang taon, sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga paninda, pagde-devalue ng salapi, at iba pang sanhi, sumiklab ang mga demonstrasyon sa maraming lunsod ng Sudan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino