Mas maraming aktuwal na aksyon, inaasahan ng Tsina sa ika-2 pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika

2019-02-27 11:21:02


Ipinahayag Pebrero 26,2019, sa Beijing, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa umiiral na pundasyon, umaasa ang Tsina, na patuloy na magsasagawa ng mas aktuwal na aksyon ang Hilagang Korea at Amerika hinggil sa dalawang target ng pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula.


Mula ngayong araw hanggang bukas, idinaraos sa Hanoi ng Biyetnam, ang ikalawang pagtatagpo ng mga lider ng Hilagang Korea at Amerika.


Sinabi ni Lu Kang na masaya ang Tsina dahil umuunlad ang tunguhin ng naturang isyu sa direksyon na inaasahan ng panig Tsino. Sa mula't mula pa, ito na ginagampanan ng Tsina at patuloy na gagampanan sa hinaharap, aniya pa.

Salin:Sarah


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino