Unang pulong sa karapatan ng mga may kapansanan sa loob ng framework ng UNHRC, magkasamang idinaos ng Tsina at EU

2019-02-27 12:21:30

Sa Ika-40 Pulong sa Mataas na Antas ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), sa Geneva, magkasamang idinaos ng pirmihang delegasyon ng Tsina at UNYONG Europeo(EU) ang pulong sa ilalim ng temang “Leave No One Behind: The key role of the Convention on the rights of persons with disabilities.”


Ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa Tsina at EU na magdaos ng ganitong pulong sa loob ng framework ng UNHRC.


Ipinahayag ni Yu Jianhua, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva(UNOC) at sa ibang organisasyong pandaigdig ng Switzerland na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang usapin ng mga may kapansanan. Sa taong 2020, mapapawi aniya ng Tsina ang karalitaan, at sa panahong iyon, ang lahat ng mamamayan ng buong bansa na kinabibilangan ng 85 milyong may kapansanan ay papasok sa may kaginhawahang lipunan.


Lumahok sa naturang pulong ang mga 100 personahe na kinabibilangan ng mga embahada mula sa mahigit 40 bansa, kinatawan ng mga kinauukulang organisasyong pandaigdig at organisasyong di-pampamahalaan, at mga dalubhasa sa larangan ng karapatang pantao mula sa loob at labas ng Tsina.



 Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino