Kahalagahan ng kooperasyong panseguridad sa Amerika, inulit ng Pangulo ng Ukraine

2019-02-27 15:42:06

Odessa, pinakamataas na port city sa katimugan ng Ukraine - Sa pakikipag-usap Martes, Pebrero 26, 2019, kay Kurt Volker, espesyal na kinatawang Amerikano sa isyu ng Ukraine, inulit ni Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine ang kahalagahan ng kooperasyong panseguridad at pandepensa sa pagitan ng Ukraine at Amerika.

Ani Poroshenko, positibo at mabunga ang isinasagawang kooperasyon ng Ukraine at Amerika sa iba't-ibang larangan, lalung-lalo na, ang kooperasyong panseguridad at pandepensa ay may espesyal at mahalagang katuturan.

Ipinahayag naman ni Volker na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang situwasyon sa Black Sea at Sea of Azov. Patuloy aniyang tutulungan ng Amerika ang Ukraine sa pagpapalakas ng puwersang pandepensa ng hukbong pandagat nito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino