Ministro ng Pananalapi ng Pransya: dapat iwasan ang trade war

2019-02-28 15:52:07

Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Paris kay Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, ipinahayag ni Bruno Le Maire, Ministro ng Pananalapi ng Pransya, na dapat iwasan ang trade war dahil tiyak na magdudulot ito ng kawalan sa iba't ibang panig.

Ipinahayag rin ni Bruno Le Maire na bilang tagapangulong bansa ng G7, nagsisikap ang Pransya para mapangalagaan ang multilateralismo.

Nagpalitan rin ang naturang dalawang opisyal ng palagay hinggil sa mga isyung kinabibilangan ng pagkolekta ng buwis sa mga “Internet giants”, kooperasyong pangkabuhayan ng Pransya at Amerika at iba pa.

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino