Pragmatikong kooperasyon ng Rusya at Venezuela, palalawakin

2019-03-02 15:40:43

Sa pagtatagpo Biyernes, unang araw ng Marso, 2019, nina Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, at dumadalaw na Pangalawang Pangulong Delcy Rodriguez ng Venezuela, ipinahayag nila na palalawakin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, industriya, at pinansya.

Sinabi ni Lavrov na itinuturing ng panig Ruso ang Venezuela bilang "reliable partner." Aniya, sa kasalukuyan, ang pinakamabuting paraan ng pagkatig sa Venezuela ay pagpapalawak ng pragmatikong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino