Mataas na opisyal ng Amerika: kung hindi itatakwil ng DPRK ang sandatang nuklear, pag-iibayuhin ng Amerika ang sangsyon

2019-03-06 19:18:51 CRI

Sinabi Martes, Marso 5, 2019 ni John Bolton, Security Adviser ng Pangulong Amerikano, na kung ayaw ng Hilagang Korea (DPRK) na itakwil ang sandatang nuklear, hindi aalisin ng Amerika ang sangsyon sa Hilagang Korea, sa halip, pag-iibayuhin nito ang sangsyon.

Winika ito ni Bolton sa isang eksklusibong panayam ng FOX News Channel ng Amerika. Aniya, pagkatapos ng ika-2 pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea, posibleng gumawa ang Hilagang Korea ng kapasiyahan, para ipakitang mayroon itong katapatan o hindi sa pakikipagdiyalogo sa Amerika, at masigasig na pagsasakatuparan ng denuklearisasyon ng Korean Peninsula.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino