Isang eroplano ng Ethiopia, bumagsak; lahat ng 157 pasahero't tripulante, nasawi

2019-03-10 20:44:34 CRI

Sinabi Linggo, Marso 10, 2019 sa social media ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Ethiopia na bumagsak kaninang umaga sa loob ng bansa ang isang eroplanong pampasahero ng Ethiopian Airlines.

Ayon naman sa impormasyon ng Ethiopian Broadcasting Corporation, kumpirmadong nasawi ang lahat ng 157 pasahero at tripulante sa nasabing eroplano, na kinabibilangan ng 8 Tsino.

Bumagsak ang nasabing eroplano na may lulang 149 pasahero at 8 tripulante, habang lumilipat mula Addis Ababa, kabisera ng Ethiopia, patungong Nairobi, kabisera ng Kenya.

Sa kasalukuyan, sumusulong ang gawain ng paghahanap at pagliligtas.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino