GEO ng UNEP: kinakaharap ng kalusugan ng sangkatauhan ang banta mula sa kapaligiran

2019-03-14 15:59:11

Inilabas kahapon ng United Nations Environment Programme(UNEP) ang Ika-6 na Global Environment Outlook (GEO) na may temang Healthy Planet with Healthy People.” Magkakasamang isinulat ang naturang ulat ng 250 mananaliksik mula sa mahigit 70 bansa.


Ayon sa ulat na sa kasalukuyan, malaki ang pinsala sa kapaligiran. Kung hindi agarang isasagawa ang pangkagipitang aksyon, malalagay sa panganib ang kalusugan ng buong sangkatauhan.

Sa news briefing, ipinahayag ni Joyce Msuya, Acting Executive Director ng UNEP na dapat baguhin ang extensive economic mode, at pipiliin ang mas “berde” at mas ligtas na paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan. Dapat ilagay sa unang posisyon ang kalusugan ng mundo, dahil ito ay paglalagay ng kalusugan ng buong sangkatauhan sa unang posisyon,dagdag niya.


Bukod dito, ipinahayag rin ni Paul Ekins, GEO Co-chair at Propesor ng University of London na sa kasalukuyan, pinaunlad na ng maraming bansa at organisasyon ng daigdig ang aktuwal na plano ng sustenableng kaunlaran. Ang plano ng Tsina, Norway, EU at iba pang bansa ay mayroong model effect.

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino