Seminar hinggil sa Pandaigdig na Pangangasiwa, magkasamang itinaguyod ng Tsina't Pransya

2019-03-26 17:51:35

Paris, Pransya--Magkasamang idinaos nitong Lunes, Marso 25 ng Tsina't Pransya ang Seminar hinggil sa Pandaigdig na Pangangasiwa, sa sidelines ng isinasagawang dalaw na pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa nasabing bansang Europeo. Pinanguluhan ang seminar nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Jean-Yves Le Drian, Ministrong Panlabas ng Pransya.

Seminar hinggil sa Pandaigdig na Pangangasiwa, magkasamang itinaguyod ng Tsina't Pransya


Si  Wang Yi


Seminar hinggil sa Pandaigdig na Pangangasiwa, magkasamang itinaguyod ng Tsina't Pransya


Si Jean-Yves

Lumahok dito ang 200 kinatawan mula sa dalawang pamahalaan, think tank, transnasyonal na bahay-kalakal, United Nations (UN), at Unyong Europeo (EU). Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa mga paksa na gaya ng Belt and Road Initiative (BRI) at konektibidad, multilateralismo at pangangasiwa sa mundo, hamon at pagkakataong dulot ng digital governance, pagbabago ng klima at biodiversity, at iba pa.

Ito ang kauna-unahang seminar hinggil sa pangangasiwa sa mundo na idinaos ng Tsina't Pransya. Nagkasundo ang mga kalahok na malaki ang potensyal ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa pandaigdig pangangasiwa, at umaasa silang magiging regular ang kanilang pagpapalitan at diyalogo hinggil sa usaping ito.

Salin: Jade 
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino