Bagong bunga, natamo sa pinakahuling round ng talastasahang pangkalakalan ng Tsina't Amerika

2019-03-30 11:37:01 CRI

Idinaos ng Tsina't Amerika mula nitong Huwebes hanggang Biyernes dito sa Beijing ang ika-8 round ng talastasahang pangkalakalan. Tinalakay ng magkabilang panig ang hinggil sa teksto ng mararating na kasunduan, at natamo ang bagong progreso.

Magkakasamang pinanguluhan ang katatapos na talastasan nina Liu He, Pangalawang Premyer at punong negosyador ng Tsina; Robert Lighthizer, Kinatawang Pangkalakalan at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.

Sa susunod na linggo, pupunta si Liu He sa Washington D.C. para lumahok sa ika-9 na talastasang pangkalakalan ng Tsina't Amerika.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino