Situwasyon ng Korean Peninsula, pinag-usapan ng mga opisyal ng Amerika at SoKor

2019-04-02 15:51:18 CRI

Nag-usap Lunes, Abril 1, 2019, sina Patrick Shanahan, pansamantalang Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika, at Jeong Kyeong-doo, dumadalaw na Ministro ng Tanggulang Bansa ng Timog Korea, ang tungkol sa mga isyung gaya ng situwasyon ng Korean Peninsula, at relasyong pang-alyansa ng dalawang bansa.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Pentagon, ipinahayag nitong pinag-usapan ng mga opisyal ng dalawang bansa ang tungkol sa ginagawang pagsisikap ng dalawang bansa para sa denuklerisasyon ng Korean Peninsula matapos ang ikalawang pagtatagpo ng kanilang mga lider. Ipinangako rin nilang palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa para mapalakas ang relasyong pang-alyansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino