CRI Komentaryo: Pagkakataon sa pag-u-upgrade ng industriya, di-dapat mawala

2019-04-04 10:11:14 CRI

Sa Hannover Messe na ginanap sa linggong ito sa Alemanya, nakita rito hindi lamang ang mga bagong ideya ng pag-unlad ng industriya, kundi ang mga plano ng pagsasakatuparan ng intelligent manufacturing na kinabibilangan ng mga bagong materyal, bagong enerhiya, Artificial Intelligence (AI), at 5G. Inilabas ng mga kalahok na bahay-kalakal ng iba't-ibang bansa ang isang malinaw na signal na di dapat mawala ang pagkakataon ng rebolusyong industriyal. Dapat kumilos ang iba't-ibang bansa alinsunod sa tunay na kalagayan at gumawa ng matalinong desisyon.

Ang Hannover Messe ay pinakamalawak na taunang ekspong industriyal sa buong mundo. Sa ekspong ito noong 2011, iniharap ng Alemanya ang konseptong "Industry 4.0" na sumagisag sa papalapit na "ika-4 na rebolusyong industriyal." Ito ay malaking nakakapagpasigla sa pag-unlad ng kabuhayang Aleman.

Bilang pinakamalaking plataporma ng pagpapalitan ng inobasyong industriyal sa daigdig, halos 60% ng mga kalahok sa Hannover Messe 2019 ay nagmula sa ibang bansa. Ang Tsina ay muling naging ikalawang pinakamalaking kalahok na bansang may 1,300 negosyante, na sumusunod sa host country na Alemanya. Idinesplay ng Huwei Company ang pangunahin na, mga modernong teknolohiyang tulad ng Internet of Things, Cloud Computing, big data, at Artificial Intelligence (AI) na naging malaking tampok sa ekspong ito. Maraming beses na binanggit ng Chinese Premier at German Chancellor na ang Tsina ay malaking manufacturing country, at ang Alemanya naman ay malakas na manufacturing country. Puwede anilang palakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon at palalimin ang koneksyon para maisakatuparan ang komong kaunlaran.

Sa Hannover Messe 2019, nanawagan si Chancellor Angela Merkel ng Alemanya sa mga bahay-kalakal na Aleman na magpunyagi sa inobasyon para mapanatili ang kakayahang kompetitibo sa pamamagitan ng pang-angkop sa kalagayan at sariling pagbabago. Nauna rito, bukas na ipinahayag sa Berlin ni Merkel na sa isyu ng Huawei, dapat itong harapin ng Europa sa nagkakaisang atityud.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino