Boeing CEO: depekto sa MCAS, sanhi ng pagbagsak ng dalawang eroplanong 737 MAX

2019-04-05 16:17:25 CRI

Sa pahayag na inilabas kahapon, Huwebes, ika-4 ng Abril 2019, sa official website ng Boeing Company, inamin ni Dennis Muilenburg, CEO ng kompanyang ito, na ang depekto sa Maneuvering Characteristics Augmentation System (MCAS) ay sanhi ng dalawang aksidente ng pagbagsak ng mga eroplanong 737 MAX, na naganap noong Marso ng taong ito at Oktubre ng nagdaang taon.

Sinabi rin ni Muilenburg, na isasagawa sa loob ng darating na ilang linggo ang software update para sa naturang sistema.

Ang nabanggit na dalawang bumagsak na eroplanong 737 MAX ay magkahiwalay na kabilang sa Ethiopian Airlines at Lion Air ng Indonesya. 346 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa dalawang aksidente.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino