G7, nagkakaroon ng pagkakaiba sa mga isyu

2019-04-07 16:58:29

Ipininid kahapon, Sabado, ika-6 ng Abril 2019, sa Dinard, Pransya, ang 2-araw na pulong ng mga ministrong panlabas ng G7.

Narating ng pitong bansa ang komong palagay hinggil sa pagpapalalakas ng kooperasyon sa paglaban sa terorismo, cyber security, at aksyong pamayapa sa Aprika.

Pero, nagkakaroon ang mga bansa ng pagkakaiba sa maraming isyu. Halimbawa, sinabi ni Ministrong Panlabas Jean-Yves Le Drian ng Pransya, na nanawagan ang Pransya, Alemanya, Hapon, at Kanada, na pangalagaan at pasiglahin ang multilateralismo, bilang pagharap sa mga pandaigdig na isyung gaya ng pagbabago ng klima. Pero, hindi niya binanggit ang paninindigan sa aspektong ito ng Amerika, Britanya, at Italya. Sinabi rin ni Le Drian, na may pagkakaiba ang pitong bansa sa paraan ng paghawak ng relasyon sa Iran.

Ayon naman sa komunike ng pulong, maliwanag ang pagkakaiba ng pitong bansa sa isyu ng Palestina at Israel.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino