Amerika, ipagbabawal ang pagpasok sa bansa ng 16 na opisyal ng Saudi Arabia na may kinalaman sa kaso ng pagpatay kay Jamal Khashoggi

2019-04-09 16:19:28 CRI

Ipinatalastas Lunes, Abril 8, 2019 ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ipagbabawal ng kanyang bansa ang pagpasok sa Amerika ng 16 na opisyal ng Saudi Arabia at kani-kanilang mga kamag-anakan na may kinalaman sa kaso ng pagpatay sa Saudi Arabian na mamamahayag na si Jamal Khashoggi.

Isinapubliko nang araw ring iyon ang listahan ng nasabing mga opisyal, na kinabibilangan ni Saud al-Qahtani, dating tagapayo ng maharlikang pamilya ng Saudi Arabia, at ng isa sa kanyang nasasakupan.

Noong nagdaang Nobyembre, ang nasabing 16 na opisyal ay pinatawan ng sangsyon ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika, dahil sa di umano'y pagkakasangkot sa nabanggit na kaso.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino