David Malpass, pormal na nanungkulan bilang Presidente ng WB

2019-04-10 15:00:09 CRI

Nitong Martes, Abril 9, 2019, pormal na nanungkulan si David Malpass bilang ika-13 presidente ng World Bank. Ipinahayag niyang ang pagpawi sa karalitaan at pagpapasulong ng kasaganaan ay magiging malinaw na misyon at pokus ng gawain ng WB.

Tinukoy niya na kasalukuyang kinakaharap ng buong daigdig ang maraming hamong gaya ng karalitaan, pagbabago ng klima, at pagsasakatuparan ng komprehensibong paglahok ng kababaihan sa mga ekonomikong aktibidad. Sa prosesong ito, kinakailangan aniya ang mas malakas na paglaki ng kabuhayan at mga pribadong institusyon. Ang pagharap sa nasabing mga hamon ay pokus ng gawain ng WB, aniya pa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino