Teknolohiyang 5G ng Huawei, hindi ibubukod sa Alemanya

2019-04-16 16:20:23 CRI

Sa panayam kamakailan ng Financial Times, sinabi ni Jochen Homann, Puno ng Organong Tagapangasiwa sa Telekomunikasyon ng Alemanya na hindi ibubukod ng kanyang bansa ang Huawei, telecom giant ng Tsina sa pakikilahok sa konstruksyon ng ultra-high speed Internet, na kinikilala bilang 5G ng bansa.

Ipinahayag din ni Homann na maraming patente sa 5G ang Huawei at kung ibubukod ang kompanya, maaantala ang paglulunsad ng 5G network ng Alemanya.

Dagdag pa niya, ang lahat ng mga equipment supplier na kinabibilangan ng Huawei ay maaaring makilahok sa pagtatatag ng 5G network ng Alemanya, kung papasa sila sa mga may kinalamang kahilingan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino