Pagkukumpuni sa Notre Dame Cathedral, matatapos sa loob ng 5 taon: Macron

2019-04-17 15:14:37 CRI

Sa kanyang maikling televised na pananalita nitong Martes ng gabi, Abril 16, local time, ipinangako ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na kukumpuhin ang nasunog na Notre Dame Cathedral sa Paris at pagagandahin pa ito, sa loob ng limang taon.

Ipinatalastas din ni Macro ang paglulunsad ng kampanya ng pangongolekta ng pondo para sa rekonstruksyon ng simbahan. Hanggang sa kasalukuyan, lumampas na sa 700 milyong euro ang halaga ng nalikom na pondo.

Ani Macron, kahit lubos na ikinalulungkot ng mga mamayan ng Pransya at buong mundo ang naganap na sunog, kinakitaan ang bansa ng pagkakabuklud-buklod at pagkakaisa sa paglagpas sa trahediya.

Naganap ang sunog nitong Lunes ng takip-silim, Abril 15, sa Notre Dame Cathedral. Bunsod ng napakalakas na sunog, bumagsak ang taluktok ng 850 taong makasaysayang simbahan.

Narito ang mga larawang kuha noong Abril 16, local time, makaraang maganap ang sunog.

Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Xinhua

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino