Tsina't Amerika, patuloy sa pagtatamo ng progreso sa talastasang pangkalakalan hinggil sa teksto ng kasunduan

2019-04-19 10:15:18 CRI

Ipinahayag nitong Huwebes, Abril 18 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na walang humpay na nagtatamo ng bagong progreso ang Tsina't Amerika sa talastasan hinggil sa teksto ng kasunduang pangkalakalan ng dalawang bansa. Ipagpapatuloy aniya ng dalawang panig ang mahigpit na komunikasyon sa iba't ibang mabibisang paraan para matapos ang lahat ng dapat gawin.

Noong katapusan ng Marso at unang dako ng Abril, idinaos ng Tsina't Amerika ang ika-8 at ika-9 na talastasang pangkalakalan sa Beijing at Washington D.C., ayon sa pagkakasunod.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino