Pangulong Tsino, nagtalumpati sa pulong ministeryal ng porum ng Tsina at CELAC

2015-01-08 17:43:18

Pangulong Tsino, nagtalumpati sa pulong ministeryal ng porum ng Tsina at CELAC

Sa Golden Hall ng Great Hall of the People, Beijing-Binuksan dito ngayong araw ang kauna-unahang pulong ministeryal ng porum ng Tsina at Community of Latin American and Caribbean States (CELAC). Dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Binigyang-diin ni Xi na ang pagdaraos ng naturang pulong ay palatandaan ng pagiging makatotohanan ng kaisipan ng pangkalahatang kooperasyon ng kapuwa panig. Aniya, ang pulong na ito ay magbubunsod ng mahalaga't malalimang epekto para sa pagpapasulong ng South-South Cooperation at kasaganaan ng buong mundo. Dagdag pa ni Xi, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng mga bansa sa Latin-Amerika at Caribbean, na gawing bagong starting point ang nasabing pulong, upang mapasulong ang bagong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Latin-Amerika, sa mas mataas na lebel.

Ang kauna-unahang pulong ministeryal ng porum ng Tsina at CELAC ay idinaraos ngayong araw at bukas. Ang tema ng naturang pulong ay “Bagong Plataporma, Bagong Starting Point, Bagong Pagkakataon-Magkasamang Pagsisikap Para Mapasulong Ang Komprehensibo't Kooperatibong Partnership ng Tsina at Latin-Amerika.”

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino