See-through church sa Borgloon, Belgium

2016-04-06 15:44:56

Sa Borgloon, isang bayan sa Belgium, may isang see-through church na bahagi ng art project na pinangalanang "Reading between the Lines.”

Ang simbahang ito ay idinisenyo ng Belgian architect duo na sina Pietejan Gijs at Arnout Van Vaerenbergh. Natapos ang konstruksyon nito noong Setyembre, 2011, at kinilala itong pinakamagandang arkitektura sa taong 2012 ng website na “ArchDaily.”

10 metro ang taas ng nasabing simbahan at binubuo ito ng 2000 piraso ng bakal. Magkakaiba ang anyo ng simbahan kung titingnan sa magkakaibang anggulo. Kung tatanawin ang labas ng simbahan, talagang magkaiba ang tanawin dahil sa epekto ng mga abstract lines na binubuo ng mga bakal.

Ang simbahan ay hindi ginagamit para sa pananampalataya. Ito ay nilikha para sa visual-experience batay sa mga konseptong pang-arkitektura.

Salin: Vera


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino