Mga sand sculpture, nililikha para salubungin ang gaganaping G20 Summit

2016-08-26 15:54:40
Isang eskultor ang gumagawa ng sand sculpture na may elementong Tsino.

Zhoushan, Lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina-Isang pandaigdigang pagtatanghal ng mga sand sculpture ang kasalukuyang inihahanda dito para salubungin ang gaganaping G20 Summit sa Hangzhou, Lalawigang Zhejiang ng Tsina, sa susunod na buwan.

Mahigit sampung eskultor mula sa Tsina, Netherlands, Kanada, Espanya, Czech Republic at iba pang bansa ang gumagawa ng mga istatuwa ng mga katangi-tanging landmark at kilalang cartoon characters ng mga kasaping bansa ng G20.

Tinayang bubuksan sa mga bisita ang nasabing pagtatanghal, pagkaraang matapos ang paggawa ng lahat ng mga istatuwa sa unang dako ng Setyembre.

Salin: Vera


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino