Tsina, winelkam ang mga kalahok sa 2016 G20 Summit sa pamamagitan ng bangkete at pagtatanghal

2016-09-06 15:17:02 CRI
Group photo ng mga kalahok sa G20 Summit na pinangungunahan ni Pangulong Xi Jinpin at kanyang asawa na si Peng Liyuan, Sept. 4, 2016. (Xinhua/Yao Dawei)

Hangzhou, lunsod sa dakong silangan ng Tsina-Sa ngalan ng Tsina, punong-abala ng idinaraos na Ika-11 G20 Summit, inihandog Linggo ng gabi, Setyembre 4, 2016, ni Pangulong Xi Jinping ang maringal na bangkete.

Habang nakikipagtagayan sa bangkete, inilarawan ni Xi ang G20 platform bilang tulay ng pagkakaibigan, kooperasyon at kinabukasan.

Pagkaraan ng bangkete, nag-enjoy ang mga panauhin sa evening gala ng pinaghalong kulturang silanganin at kanluranin. Pinanood ng mga kalahok ang klasikong musikang Tsino, katutubong sayaw, tradisyonal na awitin at ballet.

Ang gala na idinirekta ng kilalang director Tsino na si Zhang Yimou ay itinanghal sa West Lake. Ang entablado ay itinayo ilang sentimentro sa ibabaw ng tubig at ang mga performer ay parang nakalutang sa katubigan.

Binuksan Linggo, Setyembre 4, 2016, ang dalawang-araw na 2016 G20 Summit sa Hangzhou, Tsina. Ang tema nito ay “Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig.”

Salin: Jade
Pulido: Rhio


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino