23 baby giant panda, ipinanganak sa Chengdu sa taong 2016

2016-09-30 14:20:55

Huwebes, ika-29 ng Setyembre, 2016, Chengdu--Sa bisperas ng bakasyon ng National Day ng Tsina, humarap sa mga bisita ang 23 baby giant panda na ipinanganak sa Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding sa kasalukuyang taon.

Napag-alaman, pagpasok ng taong ito, matagumpay na ipinanganak ng nasabing base ang 27 baby giant panda, kabilang dito, 4 ang ipinanganak sa ibayong dagat. Ang datos na ito ay naging pinakamalaki nitong nakalipas na halos 30 taon sapul nang itatag ang baseng ito.

Salin: Vera


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino