Pinakamalaking SM sa Tsina, Bukas na

2016-12-19 18:05:54
All For You, lahat enjoy sa araw ng pagbubukas ng SM Tianjin na alok ay naiibang mall experience para sa publiko.

Binuksan nitong Sabado, Disyembre 17, 2016 ang SM Tianjin na makikita sa Binhai New Area malapit sa Tianjin Free Trade Zone. May sukat na 560,000 square meters, ito ang pinakamalaking SM Mall sa buong Tsina.

Nanguna sa soft opening si Hans Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime  Holdings Inc.

Sa ekslusibong panayam ng China Radio International Filipino Service, sinabi ni Sy na halong galak at  pananabik ang kanyang nararamdaman dahil di gaya sa Pilipinas na sikat ang SM, sa Tsina 2%-3% lang ng publiko ang nakakakilala sa kanyang chain ng supermalls.  Ito ay hamon aniya, pero batay sa paunang bunga, maganda ang prospek ng kanyang pamumuhunan.

SM Tianjin: Masterpiece in China

Tinaguriang masterpiece ang SM Tianjin dahil sa masining nitong disenyo. Ibinatay ito sa ideya ng “wuxing” o limang elemento ng Taoism. Ang mall ay may limang bahagi na kumakatawan sa Tubig, Kahoy, Metal, Apoy at Lupa.  Nitong Sabado, dinagsa ng mga tao ang unang dalawang palapag ng Water Ring, Wood Ring at bahagi ng Metal Ring.

Sa pamamagitan ng SM Department Store, discovery park, theme shops, restaurants, Family Entertainment Center atbp., hangad nitong maakit at bigyang serbisyo ang higit 15 milyong residente ng Tiajin, at mga karatig lugar na Hebei at Beijing.  

Sinabi ni Sy na ang Binhai New Area noon ay isang ilang na lugar at nakatiwangwang na lupain. Umaasa siyang muling magiging catalyst ng kaunlaran ang SM Tianjin. Naglalagak ang kumpanya ng US1 milyon puhunan sa lugar.

Mula noong 1002, sa loob ng 15 taon namuhunan ang SM Prime sa 8 lungsodng Tsina. 6 na malls ang tumatakbo na sa Xiamen, Jinjiang, Chengdu, Suzhou, Chongqing at Zibo

All For You and Experiential Shopping

Nang tanungin hinggil sa online shopping na sobrang lakas sa Tsina, pahayag ni Sy na hindi niya alintana ang banta ng online shopping. Sa kanyang pananaw ito ay talagang bahagi ng pagpapalit anyo ng paraan ng pamimili. Pero mariin ding naniniwala si Sy na ang mga tao ay  hindi magkukulong sa bahay.

Kaya alok ng SM Tianjin ang konspetong “All For You”   na laman ay maraming mga serbisyo at events na magbibigay kasiyahan at  naiibang karanasan pagdating sa loob ng mall. Tiyak itong  kagigiliwan ng lahat ng miyembro ng pamilya.

SM's Future in China

Sa hinaharap, pahayag ni Ginoong Hans Sy na patuloy pa rin ang expansion ng SM sa Tsina. Gagamitin pa rin niya ang parehong pormula, hindi man ito madali, ito naman sa kaniyang pananaw ay sustenable. Patuloy niyang pag-aaralan ang mga pangangailangan ng mga tao at pagtutuunan ito habang pinapaunlad niya ang SM sa loob ng Tsina.

Naniniwala siyang ang Tsina ay patuloy na nag-aalok ng mga bagong oportunidad para sa paglago  bilang pinakamalaking economiya sa daigdig. Ang tsina ay key global player  lalo pat lumalaki ng kita ng mga mamamayan nito mula sa mga second and third tier cities.

Ngayong kapaskuhan, ipinarating rin ni Ginoong Sy ang kanyang pagbati na nawa lahat tayo ay magkaroon na kapayapaan at kaligayan.

Ulat: Mac Ramos


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino