SM Suzhou, patuloy na lumalaki't umuunlad

2017-05-02 17:12:37
SM Suzhou

Nitong Sabado, Abril 29, 2017 ginanap ang grand reopening ng SM Suzhou Mall. Binuksanang SM Suzhou noong taong 2011. Ito ang pang-apat na mall na itinayo ng SM Prime Holdings sa Tsina, at una sa lalawigan ng Jiangsu.

Matatagpuan ang SM Suzhou sa Wuzhong District sa dakong timog ng lunsod ng Suzhou at napili ang lugar bilang pag-ayon sa temang “Beautiful Suzhou, Humanistic Wuzhong.” Mula nang buksan anim na taon nang nakalilipas, ang SM Suzhou ay maituturing na bahagi ng puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad, nilikha nito ang may 1,000 trabaho.

Sa grand opening nitong weekend, ipinakilala ang karagdagang mga brand na makikita sa loob ng mall. Mula 112 brand, may bagong 55 brand at likha nito ay halos 500 pang trabaho para sa mga tao sa lokalidad.

Para sa mga kabataang madalas na mag-malling, sa naganap na muling paglulunsad ng SM Suzhou nitong Sabado, sinabi ng SM Management na inanyayahan nila ang mga kilalang young author na sina Yuan Ziwen at Yuan Zihao, na graduate sa Peking University para isagawa ang Book Signing event para sa kanilang mga fans.

Bukod sa negosyo, mahalaga rin sa SM Suzhou ang pagtataas ng antas ng kaalaman hinggil sa environment protection. Kaya taon-taon isinasagawa nila ang Earth Hour upang ibahagi sa mamamayan ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

Napanalunan ng SM Suzhou ang “Major Foreign Investment in Suzhou's Wuzhong Economic Development Zone” Awards dalawang beses noong taong 2010 and 2011.

Ang lunsod ng Suzhou ang sentro ng ekonomiya at kalakalan ng lalawigang Jiangsu. Matatagpuan dito ang ilang export processing zones at industrial parks. Bukod dito ang Suzhou ay kilala rin sa mga magagandang tanawin, makasaysayang pasyalan at sinaunang mga water towns.

Balita : Mac Ramos

Edit: Jade

Web-editor: Vera

Photo credit: SM


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino