Beijing, nag-isyu ng lisensiya para sa pagsubok-takbo ng self-driving car sa lansangan

2018-03-23 13:17:05

Huwebes, Marso 22, 2018, nag-isyu ang Beijing ng pansamantalang lisensiya para sa pagsubok-takbo ng unang pangkat ng self-driving car ng Baidu sa mga lansangang pampubliko.

Ang mga sasakyan na binigyan ng lisensiya ay nakapasa sa isang serye ng pagsubok na gaya ng designated closed test fields, pagtasa sa kakayahan ng self-driving at pagsusuri ng mga dalubhasa.

Sa kasalukuyan, 33 lansangan sa Beijing ang binubuksan para sa ganitong pagsubok-takbo, at 105 kilometro ang kabuuang haba.

Salin: Vera


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino