China Philippine Photography Exchange Exhibition, ginaganap sa Xiamen

2018-05-23 16:37:49
Group photo ng seremonya ng pagbubukas ng China Philippine Photography Exchange Exhibition.

Itinatanghal ngayon ang halos 100 litrato ng 11 potograpo mula sa Tsina at Pilipinas sa Minnan Ancient Town, Xiamen ng Lalawigang Fujian ng Tsina, bilang bahagi ng China Philippine Photography Exchange Exhibition..

Layon ng eksibisyon na binuksan Mayo 18 at tatagal hanggang Mayo 30 na ibayo pang palaganapin ang kultura ng Maritime Silk Road, pasulungin ang pagpapaisa ng kultura ng Tsina at Pilipinas, palalimin ang pagkakaunawaan ng mga mamamayang Tsino't Pilipino sa kaugalian ng isa't isa, at idispley ang ganda ng Fujian sa bagong panahon at bagong anggulo, sa pamamagitan ng lente ng mga potograpong Tsino't Pilipino.

Apisyunado sa pagkuha ng larawan si Bong Antivolo. Ang karamihan ng kanyang itinatanghal na litrate sa kasalukuyang eksibisyon ay pinaghalong mga litrato mula sa Pilipinas at Tsina. “For me, this symbolizes the brotherhood and camaraderie between our nations,” sabi niya. Gusto rin niyang ipakita ang kanyang pamanang lahi, dahil Tsino at Pilipino ang kanyang lolo at lola. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng kanyang likhang-pansining, tutulayan ang kultura ng Tsina at Pilipinas.

Ang tema ng mga itinatanghal na litrato ni Tu Zhengpeng, isang Tsinong freelance photographer, ay “temperatura ng lunsod.” Lipos ng paglingap sa sangkatauhan ang kanyang mga larawan, at nagpapakita ang mga ito ng mga sandali sa pamumuhay ng magkakaibang tao sa kalunsuran. Sinabi niyang may pagkakaiba ang ideya at pagkaunawa ng mga potograpong Tsino't Pilipino sa potograpiya. Sa pamamagitan ng kasalukuyang eksibisyon, hindi lamang lalakas ang pagpapalitan sa isa't isa, kundi makakatulong din sa pagpapasulong ng di-pampamahalaang pagpapalitang kultural ng dalawang bansa.

Sulat: Vera

Photo credits: Bong Antivola / Tu Zhengpeng / Shen Zhenghui / Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Xiamen


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino